
E-KONSULTA®
MEDICAL CLINIC
Mabilis, maaasahan, at abot-kayang online health consultation. Konsulta muna bago bayad. Tawag lang ang kailangan.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya, hangad naming makapaghandog ng mahusay at abot-kayang serbisyong medikal para sa mamamayang Pilipino.
Tungkol sa E-Konsulta®
​
Nais ng E-Konsulta® na magbigay ng plataporma para sa mga pasyenteng nahihirapan makipagschedule ng consultation at checkup para sa kanilang kalusugan.
​
Higit sa lahat, ang E-Konsulta® ay para sa mga pasyenteng hindi makalabas sa kanilang bahay dahil sa mga sintomas na nararamdaman, ngunit kailangan ng mabilis at mabisa na reseta at pagsuri mula sa mga lehitimo at lisensyadong mga doktor.
​
Sa pamamagitan ng E-Konsulta®, ang mga Pilipino na nangangailangan ng tamang gabay at gamot ay mas madaling makapag-online medical consultation.
Ang aming Misyon
Garantisado namin ang mabisang konsultasyon medikal kaya dito sa E-Konsulta®, konsultasyon muna sa mga doktor bago kayo magbabayad.
Ito po ang aming naging misyon sa simula pa lamang, at maaasahan niyong dadalhin namin ito sa paglilingkod ng BAWAT PILIPINO.

